Martes, Setyembre 13, 2011

SI PNOY, PARA SA MGA PINOY!

Pangulong Benigno  C. Aquino Jr. siya ay nagmula sa pamilyang nagkaroon ng malaking bahagi sa ating kalayaang natatamasa ngayon . Ang kanyang ama ay ang natatanging nagkaroon ng lakas ng loob na kalabanin si  dating pangulong Ferdinand Marcos na umabuso sa kanyang kapangyarihan  at patuloy parin niyang pinaglaban ang karapatan ng mga mamamayan. Hanggang sa napatay siya ng mga taong ganid sa lipunan. Ngunit dito natatapos dito ang kanilang pakikipaglaban para sa kalayan pinagpatuloy ni dating pangulong Corazon C. Aquino ipinagpatuloy niya ang nasimulan ng kanyang asawa at tumakbo siya bilang pangulo ng pilipnas at siya ay nagtagumpay. Dahil sa kanyang tagumpay siya ang tinawag na simbolo ng kalayaan nung panahong iyon.Siya rin ang kauna unahang babaeng naging pangul ng pilipinas. dito naranasan ng mga tao ang mamuhay ng malaya, tunay ngang mga bayani sa ating kasaysayan ang pinagmulan ni pnoy. Kaya nga nong idiklara niyang siyay tatakbo ay nabuhayan ng loob o pag asa an mamamayan agad siyang sinuportahan dahil sa tingin nila ay siya na ang magpapabago ng mahirap na pamumuhay ng mga tao na natamasa sa pamumuno ng mga buwaya sa lipunan.Ngunit may mga nadismaya sa kanyang pamamalakad dahil tingin ng iba ay napakabagal ng kanyang pagkilos dahil tila hindi nagbabago ang kanilang pamumhay. hindi lang naman kasi sila ang tao sa lipunan. Marami na rin siyang nagagawa ngunit hindi lang napapansin ng mga tao dahil puro ang mga mali ng pangulo ang tinitgnan nila. ang gusto kasi ng tao ay yong tipong andyan na agad ang pagbabago.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento