Sabado, Hulyo 23, 2011

Ako ay si Liezel N. Erjas, labin walong taong gulang nakatira sa Alalay Grande, Lupao, Nueva Ecija. Pinanganak noong ika-14 ng Hunyo 1993.Nagtapos ng Elementarya sa Mababang Paaralan ng Alalay Grande, Lupao, Nueva Ecija.Ang tatay ko ay si Ginoong,  Manolito D. Erjas 38 taong gulang isang magsasaka at huwarang mama sa amin ng aking isang kapatid. Ang nanay ko naman ay si Ginang, Marilou N. Erjas 37 taong gulang dating ofw sa Taiwan. At meron akong nakababatang kapatid na lalaki siya ay si Luis N. Erjas 16 taong gulang kasalukuyang nagaaral sa Doña Juana  Chioco High School.
  Ako ay lumaki sa pangangalaga ng lola ko dahil tatlong taon palang ako nung iwan ako ng nanay ko sa lolo ko dahil pumunta siya sa ibang bansa upang magtrabaho para samin at mabigyan  kami ng magandang kinabukasan. Hindi rin kami magkasamang lumaki ng aking nakababatang kapatid dahil sa lola ko sa Cuyapo siya iniwan ni nanay  at ang tatay ko naman ay security guard sa Manila noon. Hindi man kami magkakasama alam kong ginagawa lang nila yon tinitiis para sa amin ng kapatid ko.
   Nagtapos ako ng sekondarya sa Doña Juana Chioco High School, at nagdesisyong mag aral sa Pamantasan ng Araullo sa Cabanatuan ngunit Isang taon lang ako nakapag aral doon dahil sa kakulangang pinansyal nagdesisyon ang magulang kong  ilipat ako ng paaralan . Nilipat nila ko sa Central Luzon State University. Napakahirap magaral dito sobra  pero naniniwala ako sa salita ng diyos na hindi siya magbibigay ng mga pagsubok na di natin kakayanin bagkus binigay nya ito upang Garwin tayong o ihanda tayo sa mga haharapin pang pagsubok sa buhay. At masasabi kong Kaye kong pagtagumpayan ang lahat sa pamamagitan ni Jesus na nagbibigay ng lakas sa akin. =)