Ako ay lumaki sa pangangalaga ng lola ko dahil tatlong taon palang ako nung iwan ako ng nanay ko sa lolo ko dahil pumunta siya sa ibang bansa upang magtrabaho para samin at mabigyan kami ng magandang kinabukasan. Hindi rin kami magkasamang lumaki ng aking nakababatang kapatid dahil sa lola ko sa Cuyapo siya iniwan ni nanay at ang tatay ko naman ay security guard sa Manila noon. Hindi man kami magkakasama alam kong ginagawa lang nila yon tinitiis para sa amin ng kapatid ko.
Nagtapos ako ng sekondarya sa Doña Juana Chioco High School, at nagdesisyong mag aral sa Pamantasan ng Araullo sa Cabanatuan ngunit Isang taon lang ako nakapag aral doon dahil sa kakulangang pinansyal nagdesisyon ang magulang kong ilipat ako ng paaralan . Nilipat nila ko sa Central Luzon State University. Napakahirap magaral dito sobra pero naniniwala ako sa salita ng diyos na hindi siya magbibigay ng mga pagsubok na di natin kakayanin bagkus binigay nya ito upang Garwin tayong o ihanda tayo sa mga haharapin pang pagsubok sa buhay. At masasabi kong Kaye kong pagtagumpayan ang lahat sa pamamagitan ni Jesus na nagbibigay ng lakas sa akin. =)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento