Lahat ng tao naghahangad ng magandang pamilya yong tipong “perfect”.Ang pamilya ko ay walang masyadong kwento dahil hindi kami magkakasama ang mga magulang ko ay nagtrabaho sa ibang bansa. Sa lola ako kami lumaki ng kapatid ko. Alam naming na mahal nila kami nararamdaman naming iyon pero hindi parin maiaalis samin yong paghahanap ng pagmamahal ng magulang. Sa tuwing nagkukwentuhan ang mga kaibigan ko tungkol sa magagandng nangyari sakanilang pamilya hindi ko maiwasang mainggit at malungkot dahil wala manlang ako maibahagi o maikwento sa pamilya ko. Lagi ko hinihiling n asana makasama ko na sila at laking tuwa ko nung umuwi sila.Sinulit ko ang bawat araw na kasama ko sila at pinaramdam kung gaano ko sila kamahal.Ngunit hindi yata talaga maiiwasan ang pagkakaroon ng problema sa pamilya. Hindi naming inaasahan nagkaroon ng ibang babae ang tatay ko. Lagging umiiyak ang nanay ko akala ko talaga mawawasak na ang pamilya ko pero hindi nagkaayos sila para saamin ng kapatid ko bagamat may kamat na ang pagsasama nila. Pilit parin ni;lang pinupunan ang pagkukulang ng isa. Si nanay ay isang huwarang ina dahil siya yong taong kayang gawin ang lahat para lang sa kanyang mga anak. Kayang magtiis para sa ikaliligaya ng anak. Ngayon Masaya na ang pamilya namin hindi man “perfect” ang mahalaga kumpleto kami. Ito ang pamilya ko hind man perpekto sama-sama naming kinakaya lahat ng pagsubok sa buhay. :p
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento